Breakthrough - UCN

Breakthrough - UCN The official tertiary student publication of the University of Camarines Norte
(1)

Those who are meant to make a difference are destined to stand out.It is a common misconception that searching for talen...
31/08/2026

Those who are meant to make a difference are destined to stand out.

It is a common misconception that searching for talents needs the keenest of eyes. But every real detective knows that they are not invisible to the naked eye; they tend to stick out like a sore thumb. A magnifying glass is not even needed to find them in the crowd; their skills alone speak for their undeniable presence.

We can see—and sense—your talents from a mile away. The world of journalism knows that you are patiently waiting for the right time to answer the clarion call.

A special recruitment for the finest of aspiring journalists is officially in place. The Breakthrough Publication calls for the following to take their talent to the next level:

– Feature Writers
– Sports Writers
– DevComm Writers
– Literary Writers

– Layout Artists
– Digital Artists
– Traditional Artists

– Videojournalists

Are you ready to stand out and make a real difference? Sign up now for Breakthrough’s Special Recruitment:
https://forms.gle/69xnAtmkZVhNkL2B7
https://forms.gle/69xnAtmkZVhNkL2B7
https://forms.gle/69xnAtmkZVhNkL2B7

✍🏻 Jaye Raphael O. Segundo, 𝘔𝘢𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘌𝘥𝘪𝘵𝘰𝘳 𝘧𝘰𝘳 𝘍𝘪𝘯𝘢𝘯𝘤𝘦
Layout by Eliandrei Joedel P. Layosa, 𝘔𝘶𝘭𝘵𝘪𝘮𝘦𝘥𝘪𝘢 𝘌𝘥𝘪𝘵𝘰𝘳

𝐋𝐀𝐓𝐇𝐀𝐋𝐀𝐈𝐍 | 𝐓𝐚𝐡𝐢𝐦𝐢𝐤 𝐧𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢𝐡𝐚𝐧: 𝐏𝐚𝐰𝐢𝐬 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐤𝐚𝐩 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐮𝐡𝐮𝐧𝐚𝐧𝘔𝘢𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱 𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺, 𝘵𝘢𝘨𝘭𝘢𝘺 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢...
31/08/2026

𝐋𝐀𝐓𝐇𝐀𝐋𝐀𝐈𝐍 | 𝐓𝐚𝐡𝐢𝐦𝐢𝐤 𝐧𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢𝐡𝐚𝐧: 𝐏𝐚𝐰𝐢𝐬 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐤𝐚𝐩 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐮𝐡𝐮𝐧𝐚𝐧

𝘔𝘢𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱 𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺, 𝘵𝘢𝘨𝘭𝘢𝘺 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘬𝘢𝘴 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺.

May mga taong araw-araw na lumalaban—hindi gamit ang sandata o anumang pambihirang kapangyarihan—kundi ang sipag, tiyaga, at marangal na paggawa upang maipakita ang kabayanihan sa simpleng paraan.

Nariyan sila—naglilingkod, lumalaban, at tahimik na nagpapakita ng kabayanihan.

Mga Salita at Kuhang Lawaran nina | Sidney Sheldan M. Denum, 𝘔𝘢𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘌𝘥𝘪𝘵𝘰𝘳 𝘧𝘰𝘳 𝘗𝘶𝘣𝘭𝘪𝘤𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯; Tiffany A. Abella, Romerine A. San Gaspar, Mark Russel L. Lotino, 𝘗𝘩𝘰𝘵𝘰𝘫𝘰𝘶𝘳𝘯𝘢𝘭𝘪𝘴𝘵𝘴

𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗦 𝗙𝗥𝗘𝗘𝗗𝗢𝗠 𝗗𝗔𝗬 | Kapag ang ingay ng katotohanan ay tuluyang nasakop ng katahimikan, ito ay pinamumugaran ng ...
30/08/2026

𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗦 𝗙𝗥𝗘𝗘𝗗𝗢𝗠 𝗗𝗔𝗬 | Kapag ang ingay ng katotohanan ay tuluyang nasakop ng katahimikan, ito ay pinamumugaran ng kasakiman at mga uring naghahari-harian.

Ang katotohanan ay hindi dapat ipagkait, kundi ipaglaban. Sa kabila ng hamon, banta, at pagtatangkang patahimikin ang mga boses na nagtatanggol dito, ang kalayaan sa pamamahayag ay hindi lamang karapatan kundi tungkulin ng bawat mamamayang naniniwala sa katotohanan at pagpapalaganap nito.

Sa pagdiriwang ng National Press Freedom Day, patuloy ang pakikibaka at pagsusulong ng mataas na antas ng pamamahayag na mas malaya, mapanuri, at bukas sa masa. Isang daluyang patuloy na tutuligsa sa ugat ng mga isyung nagpapalugmok sa estadong sa kasalukuyan ay nagdurusa. Binibigyang-pansin ang mga istoryang nagmula sa kasuluk-sulukan ng mga pamayanan at kanayunang madalas hindi naaabot ng oportunistang sistema.

Dahil sa bawat pagsulat, may mga matang unti-unting namumulat.
At sa bawat pag-ulat, may mga boses na naririnig at umaangat.

𝐔𝐒𝐒𝐆 𝐂𝐡𝐚𝐢𝐫 𝐏𝐨𝐛𝐥𝐞𝐭𝐞 𝐧𝐢𝐥𝐢𝐧𝐚𝐰 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐥𝐢𝐚𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐩𝐫𝐨𝐜𝐞𝐝𝐮𝐫𝐞 𝐬𝐚 𝐑𝐞𝐩. 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐦𝐛𝐥𝐲; 𝐓𝐮𝐫𝐧𝐨𝐯𝐞𝐫 𝐧𝐠 𝐩𝐨𝐧𝐝𝐨, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠Nilinaw ng Universi...
29/08/2026

𝐔𝐒𝐒𝐆 𝐂𝐡𝐚𝐢𝐫 𝐏𝐨𝐛𝐥𝐞𝐭𝐞 𝐧𝐢𝐥𝐢𝐧𝐚𝐰 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐥𝐢𝐚𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐩𝐫𝐨𝐜𝐞𝐝𝐮𝐫𝐞 𝐬𝐚 𝐑𝐞𝐩. 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐦𝐛𝐥𝐲; 𝐓𝐮𝐫𝐧𝐨𝐯𝐞𝐫 𝐧𝐠 𝐩𝐨𝐧𝐝𝐨, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠

Nilinaw ng University Supreme Student Government (USSG) ang mga usapin kaugnay ng parliamentary procedures na ipinatupad sa ginanap na 1st Representative Assembly noong Agosto 21.

Ayon sa inilabas na sulat ng USSG noong Huwebes, Agosto 27, nagsimula ang asembleya sa pagdetermina ng quorum, pagbasa ng house rules at adyenda sa pag-apruba ng action plan, ratipikasyon ng Constitution and By-Laws (CBL), at iba pang mga paksa na idinagdag ng isang presidente.

Sa isang eksklusibong panayam, iginiit ni USSG Chairperson at Presiding Officer Dane Lester P. Poblete na nakasunod sa Artikulo VII, Seksyon 2 ng USSG-CBL at sa Robert’s Rules of Order (12th Edition) ang lahat ng naging proseso sa naturang pagpupulong.

𝗣𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗮𝘄 𝘀𝗮 𝗕𝗼𝘁𝗼𝗵𝗮𝗻 𝗮𝘁 ‘𝗣𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼 𝗨𝗻𝗼’

Naging pangunahing paksa sa deliberasyon ng asembleya ang pag-apruba sa action plan ng organisasyon, partikular na sa ‘Proyekto Uno’ na may nakalaang P120,000 para sa pagbili ng mga kagamitan sa opisina tulad ng speaker set, printer, camera at calculators na maaari ring hiramin ng mga mag-aaral at lokal na organisasyon.

“Ang pinaka-original na inilagay namin du’n na budgetary allocation ay 120,000. Sa [allocated budget] na ‘yon, included doon ang bagong speaker ng USSG, camera, bagong printer [at] ibang needs. Tapos yung ibang matitirang fund, ang proposed din du’n ng ibang council or ibang executive ay ibibili ng calculator at ibang office need na pwedeng ipahiram sa mga student natin para mas malawak yung scope ng project,” saad ni Poblete.

Ayon pa sa rehente, dumaan sa malalim na talakayan at transparent na botohan ang bawat item sa proyekto. Aniya, ipinaliwanag nila ang dahilan kung bakit may inilagay na proyekto sa action plan.

“After namin na ma-present ‘yung isang project, magkakaroon kami ng floor for debate kung sakali man na kailangan na mas maipaliwanag ng malalim kung ano ‘yung pinaka-aim ng proyekto. [Kapag] nagkaroon na kami ng deliberation, [tutuloy na sa] voting kung approve ba sila or hindi.”

Sinagot din ni Poblete ang usapin hinggil sa umano’y limitadong oras ng pagboto na kung saan ipinagkaloob sa mga kinatawan ang mosyon na palawigin ito mula 20 patungong 40 segundo.

“[Nang] magkaroon ng motion ang [Junior Philippine Society of Public Administration] President na gawin siyang 40 seconds, and ‘yung motion na ‘yun ay duly seconded by the body without objection… Pinayagan namin dahil gusto namin na masunod ang parliamentary procedure at gusto namin na democratic process ang mangyari sa representative assembly,” pahayag niya.

Isinaad din ni Poblete na inilalagay ng konseho ang bawat resulta ng botohan sa chatbox ng Google Meet upang magkaroon ng transparency.

Ipinaliwanag din ni Poblete na ginamit ang probisyon ng unanimous consent sa ilalim ng Robert’s Rules of Order upang makatipid ng oras, lalo’t walang nagpahayag ng pormal na pagtutol o objection habang isinasagawa ang deliberasyon.

𝗣𝗮𝗿𝘁𝗶𝘀𝗶𝗽𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗤𝘂𝗼𝗿𝘂𝗺 𝘀𝗮 𝗔𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝗲𝘆𝗮

Pinalagan din ng USSG ang opisyal na pahayag na inilabas ng JPSPA-UCN na pinupuna ang umano’y paglilimita sa 500 ang partisipasyon ng mga mag-aaral sa ginanap na pagpupulong online.

“Papabulaanan ko [‘yung sinasabi nila na nililimitahan ang meeting sa 500] kasi nga wala naman kaming kapangyarihan na mas palawigin pa ang nasasakupan nitong 500 na ‘yan. Although nagbigay kami sa kanila ng [pangako] na gagawin namin ang best namin para i-live ‘yung representative assembly para makita ng mga estudyante pero up until consultation with the technical committee, sabi nila hindi nila kaya,” saad ni Poblete.

Dagdag pa niya, walang naging komunikasyon ang JPSPA-UCN sa USSG hinggil sa kanilang mga hinaing. Aniya, kung nais ng lokal na organisasyon na imbitahin ang lahat ng mag-aaral ng UCN, maari silang mag-request at maaari itong gawan ng paraan sa ikalawang asembleya.

Ayon sa konseho, ang ginanap na pulong ay isang Representative Assembly na eksklusibong nakalaan sa mga kinatawan tulad ng mga block mayor, local organization at system-wide presidents. Bagama’t pinahintulutan ang ibang estudyante na pumasok bilang observers, hindi umabot sa 200 ang pumasok sa virtual room.

“Ang official na inilabas naming memorandum for representative assembly, ang may voting power lang doon ay mga representative… Ang naging participants namin ay halos naglalaro lang sa 127 hanggang 150 pataas… Pero yung mga nag-attend naman ay sila yung nagko-consist ng quorum natin kaya nakaka-proceed kami sa business ng representative assembly,” dagdag pa ni Poblete.

𝗜𝘀𝘆𝘂 𝘀𝗮 𝗣𝗼𝗻𝗱𝗼 𝗮𝘁 𝗧𝘂𝗿𝗻𝗼𝘃𝗲𝗿 𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗹𝗮𝗴𝗱𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗼𝗸𝘂𝗺𝗲𝗻𝘁𝗼

Bukod sa usapin sa asembleya, inihayag ng USSG Student Regent ang matinding hamon sa pananalapi na kinakaharap ng kasalukuyang administrasyon dahil sa kawalan ng pormal na turnover mula sa nakaraang pamunuan.

Bunsod nito, nagpalabas ng hiwalay na memorandum ang USSG ukol sa pag-turnover ng mga dating USSG membership fee na kasalukuyang hawak ng ilang lokal na organisasyon at student governments.

“Ang inilabas namin na memo ay hindi siya patungkol sa pag-collect ng bagong membership fee ngayong academic year. Magkakaroon tayo ng collection ng bagong membership fee para sa academic year na ito pero kailangan muna naming ma-settle kung ano ba iyong mga pera na nasa bawat organization natin [mula sa] previous administration para maayos din namin yung liquidation and financial report,” saad ni Poblete.

Dagdag pa niya, ang pondong makukuha ay ilalaan sa mga proyekto, aktibidad at reimbursement ng konseho, kabilang na ang pagkakaloob ng P10,000 badyet para sa special election na ginanap noong Agosto 26 ng Commission on Student Elections.

Nakatakda ring magsumite ang USSG ng mga kinakailangang dokumento para sa reaccreditation bago ang Setyembre 1, ngunit nahihirapan pa ito dahil wala pa sa kanilang hawak ang mga accomplishment, financial at liquidation report mula sa nakaraang administrasyon.

“Ilang beses na kaming nag-letter at wala pa rin sa aming response ang former chairperson… Nagpa-receive kami ng letter sa College of Education Dean’s Office na humihingi na rin kami ng tulong para sa pagpa-turn over ng kung anong meron sa former admin kasi talaga sa ngayon, nahihirapang gumalaw ang USSG lalo’t alam naman natin na ang pinaka-basic fundamental ng isang organization ay ang finance,” giit ng Student Regent.

Samantala, nanawagan ang USSG sa mga lider-estudyante na dumaan sa tamang komunikasyon at suriin ang mga alituntunin ng parliamentary procedure bago maglabas ng mga pahayag sa social media upang maiwasan ang pagkakahati-hati ng mga organisasyon sa pamantasan.

Sa kasalukuyan, hinihingi ng Breakthrough ang opisyal na minutes of the meeting ng nasabing pagpupulong para sa mas malalim na pagsasagawa ng paglilinaw at beripikasyon.

Ulat nina | Dessa Mae C. Tuyay, 𝘊𝘰𝘱𝘺 𝘌𝘥𝘪𝘵𝘰𝘳; Yvan M. Delos Santos, 𝘌𝘥𝘪𝘵𝘰𝘳-𝘪𝘯-𝘊𝘩𝘪𝘦𝘧
Isinaayos ni | Seplorenz S. Alarma, 𝘓𝘢𝘺𝘰𝘶𝘵 𝘌𝘥𝘪𝘵𝘰𝘳

𝐊𝐀𝐓𝐇𝐀 𝐗𝐕𝐈 | Tuwing may kapistahan, totoong nakaaakit ang makukulay na palamuti. Subalit, mayroon ding kadiliman na bagam...
29/08/2026

𝐊𝐀𝐓𝐇𝐀 𝐗𝐕𝐈 | Tuwing may kapistahan, totoong nakaaakit ang makukulay na palamuti. Subalit, mayroon ding kadiliman na bagama’t lantad, iniiwasang tingnan. Minsan tinatago, minsan ay talagang pikit-mata na lang.

Sa barangay namin, dedma. Wapakels. Abala ang lahat sa pagluluto sapagkat masayang makita na nagkukumahog ang mga sahog.

𝘗𝘢𝘭𝘶𝘵𝘢𝘯𝘨-𝘭𝘶𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘥𝘢𝘨𝘢𝘵-𝘥𝘢𝘨𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘮𝘪𝘴 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘪𝘵𝘢𝘯. 𝘚𝘢𝘨𝘢𝘥-𝘴𝘢𝘨𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘮𝘶𝘵𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘱𝘦𝘳𝘰 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘢𝘴𝘢𝘸𝘢𝘢𝘯. 𝘞𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘳𝘢𝘯. 𝘞𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯.

Sinisimot ng mga hayok sa laman. Ng mga desperadong maghain para sa sarili. Kahit minsan ay hindi na magkasya sa tiyan. Patay-gutom.

𝘚𝘢𝘯𝘨𝘨𝘰𝘭, 𝘥𝘢𝘮𝘣𝘶𝘩𝘢𝘭𝘢, 𝘭𝘢𝘺𝘭𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘪𝘭𝘢, 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯. 𝘔𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘺𝘰, 𝘪𝘪𝘴𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 [d̷e̷l̷u̷b̷y̷o̷] 𝘬𝘢𝘴𝘪𝘺𝘢𝘩𝘢𝘯.

Sa kapistahan ng barangay namin—na mahirap sikmurain ngunit maraming nakahain, 𝗶𝗸𝗮𝘄 𝗮𝘆 𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗶𝗶𝗺𝗯𝗶𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻.

Halika, magkuwentuhan tayo tungkol sa mga usaping iniiwasan.

Ito ang 𝗶𝗸𝗮𝗹𝗮𝗯𝗶𝗻𝗴-𝗮𝗻𝗶𝗺 𝗻𝗮 𝗯𝗲𝗿𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘁𝗵𝗮, ang opisyal na limbag ng Breakthrough. Isang koleksyon ng mga akdang pampanitikan at biswal. Mapa-imahinasyon o hango sa totoong buhay.

Ngayong 𝗶𝗸𝗮-𝟮𝟵 𝗻𝗴 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼, inaanyayahan ka naming makibahagi sa aming paghahanda. At inaanyayahan ka naming 𝗺𝗮𝗴-𝗮𝗺𝗯𝗮𝗴.

Magsumite ng iyong putahe—maaaring ito ay nasa uri ng tula, sanaysay, talambuhay, maikling kuwento, at mga biswal na sining gaya ng litrato at sariling guhit.

https://forms.gle/pMEuduzNZ9a9jN9E7
https://forms.gle/pMEuduzNZ9a9jN9E7
https://forms.gle/pMEuduzNZ9a9jN9E7

𝗡𝗮𝗿𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗽:
1kg ng wikang Filipino, Ingles, o Bikol, partikular ang dayalektong Bikol-Daet
20kg ng putahe o pagkain na maaaring orihinal mula sa Bicol at Daet
30kg ng pag-unawa sa lipunan
50kg ng katarungan
1kbn ng pagkamalikhain patungkol sa mga nilalang sa mitolohiyang Pilipino

Ang pag-aambag para sa araw ng kapistahan ay bukas para sa lahat ng mga mag-aaral ng University of Camarines Norte (UCN).

Kaya ano pa’ng hinihintay mo? Tara na, malutó na.

Makisawsaw sa aming kapistahan.



Salita nina | Mark Russel G. Obal, 𝘓𝘪𝘵𝘦𝘳𝘢𝘳𝘺 𝘚𝘦𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘏𝘦𝘢𝘥 at Eunice Angela D. Ang, 𝘐𝘯𝘵𝘦𝘳𝘯𝘢𝘭 𝘈𝘴𝘴𝘰𝘤𝘪𝘢𝘵𝘦 𝘌𝘥𝘪𝘵𝘰𝘳
Dibuho ni | Andrea Nicole B. Burac, 𝘈𝘳𝘵𝘴 𝘌𝘥𝘪𝘵𝘰𝘳

𝐔𝐂𝐍-𝐂𝐒𝐄 𝐡𝐨𝐥𝐝𝐬 𝐬𝐩𝐞𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐩𝐨𝐥𝐥𝐬 𝐚𝐦𝐢𝐝 𝐔𝐒𝐒𝐆, 𝐒𝐆 𝐯𝐚𝐜𝐚𝐧𝐜𝐢𝐞𝐬In light of vacant positions in the University Supreme Student Govern...
29/08/2026

𝐔𝐂𝐍-𝐂𝐒𝐄 𝐡𝐨𝐥𝐝𝐬 𝐬𝐩𝐞𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐩𝐨𝐥𝐥𝐬 𝐚𝐦𝐢𝐝 𝐔𝐒𝐒𝐆, 𝐒𝐆 𝐯𝐚𝐜𝐚𝐧𝐜𝐢𝐞𝐬

In light of vacant positions in the University Supreme Student Government (USSG) and different college Student Governments (SGs), the Commission on Student Elections (CSE) conducted the synchronized special elections across campuses of the University of Camarines Norte (UCN) last Wednesday, August 26.

The said elections came after the regular synchronized elections held in May failed to complete the set of officers for the USSG and select student governments amid the decline in applications for candidacies.

The College of Fisheries and Aquatic Sciences and Technology (CFAST), College of Engineering (CoEng), and College of Business and Public Administration (CBPA) saw no students vying for any position in their respective governments during the regular election period.

Meanwhile, the USSG and the SGs of the College of Arts and Sciences (CAS), College of Trades and Technology (CoTT), and College of Computing and Multimedia Studies (CCMS) had already established their respective councils, but still had vacant elective positions.

For the special elections, the CSE invoked Section 6 of the Omnibus Election Code to establish an orderly manner of conducting the special elections. It states that cases of failure of elections in campuses during the regular election call for a special election, with the election timeline to be determined by the CSE Chairperson.

According to CSE Chairperson Robert Cabanes, out of the 5,938 eligible voters based on the collected email records from each campus and delivery unit, 4,175 participated in the election. Each voter was verified by cross-checking the email addresses submitted through the election Google Forms and the email addresses collected before the election.

Cabanes then stated that candidates for the different SGs could be elected even if the percentage of votes they received did not meet the required quorum. However, for candidates in the USSG, all votes across campuses were still validated to see if they met the quorum.

Furthermore, the CSE Chairperson also stated that the proclamation of winners of the synchronized special elections will be announced on a later date by the CSE.

Report by | Jamillah Louvelle V. Perlas, 𝘚𝘦𝘯𝘪𝘰𝘳 𝘚𝘵𝘢𝘧𝘧
Layout by | Seplorenz S. Alarma, 𝘓𝘢𝘺𝘰𝘶𝘵 𝘌𝘥𝘪𝘵𝘰𝘳

𝗚𝗨𝗛𝗜𝗧 𝗔𝗧 𝗛𝗜𝗥𝗜𝗧 | Delay... De-late!🎨 Herson Llona, 𝘛𝘳𝘢𝘥𝘪𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘈𝘳𝘵𝘪𝘴𝘵Isinaayos ni Seplorenz S. Alarma, 𝘓𝘢𝘺𝘰𝘶𝘵 𝘌𝘥𝘪𝘵𝘰𝘳
28/08/2026

𝗚𝗨𝗛𝗜𝗧 𝗔𝗧 𝗛𝗜𝗥𝗜𝗧 | Delay... De-late!
🎨 Herson Llona, 𝘛𝘳𝘢𝘥𝘪𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘈𝘳𝘵𝘪𝘴𝘵
Isinaayos ni Seplorenz S. Alarma, 𝘓𝘢𝘺𝘰𝘶𝘵 𝘌𝘥𝘪𝘵𝘰𝘳

𝗡𝗜𝗡𝗢𝗬 𝗔𝗤𝗨𝗜𝗡𝗢 𝗗𝗔𝗬 | Mula sa mismong sandali na lumapag ang kanyang yapak sa lupang hinirang, tila ba may salimuot at biga...
21/08/2026

𝗡𝗜𝗡𝗢𝗬 𝗔𝗤𝗨𝗜𝗡𝗢 𝗗𝗔𝗬 | Mula sa mismong sandali na lumapag ang kanyang yapak sa lupang hinirang, tila ba may salimuot at bigat ang ihip ng hangin dahil sa nakaambang na banta sa buhay ng noo’y pinakatanyag na lider-oposisyon. Ngunit sa kabila ng anino ng trahedyang tila nakaukit na sa kanyang tadhana, buong giting niyang pinili ang Pilipinas alang-alang sa isang adhikain: “There is no greater nation on earth than our Motherland. No greater people than our own.” Mula ito sa sariling mga salita ng dating senador na si Benigno Simeon “Ninoy” Aquino Jr. bilang pamana ng pagdedeklara ng kanyang buong paglilingkod sa sambayanang Pilipino — ilang taon bago ang trahedyang magtatali sa kanyang pangalan bilang isang martir.

Mula noong Agosto 21, 1983 hanggang sa mga sumunod na dekada, nanaitiling buhay sa gunita ng sambayanang Pilipino ang sinapit ni Ninoy Aquino. Sa isang iglap at putok ng baril sa dating Manila International Airport, biglang binawi ang buhay ng pinakabatang lider-oposisyon noong panahon ng Batas Militar.

Bagamat ito ang naging wakas sa kanyang buhay, ito rin ang nagpaalab sa kamalayan ng bayang matagal nang nagtitiis sa marahas na pamamahala ng rehimeng Marcos Sr. Hindi nag-atubili ang senador na ilantad ang katiwalian sa gitna ng magulong estado ng bansa. Dahil dito, siya ay inakusahan, kinasuhan, at ipinabilanggo. Ngunit hanggang sa huling sandali, hindi nagbago ang kanyang paninindigan sa mapayapang pakikibaka — isang paraan ng paglaban na hinubog ng kanyang taktika, talino, at marangal na paninindigan.

Sa bisa ng Batas Republika Blg. 9256 noong 2004, opisyal na idineklarang “Ninoy Aquino Day” ang Agosto 21 — isang pambansang araw ng pagkilala sa sakripisyo at pamanang kamalayan ng dating senador. Kalakip din nito ang pagpapalit ng pangalan ng dating paliparan tungo sa Ninoy Aquino International AIrport (NAIA) noong 1987 sa ilalim ng Batas Republika Blg. 6639, bilang simbolo ng lugar na naging saksi sa kanyang huling sandali. Ang taunang pag-alalang ito ay nananatiling walang-hanggang paalala ng aral na iniwan niya, at ng hindi matatawarang lakas ng mapayapang pakikipaglaban para sa kalayaan ng bayan.

✍🏻 Julie Ann D. Navales, 𝘑𝘶𝘯𝘪𝘰𝘳 𝘚𝘵𝘢𝘧𝘧
Isinaayos nina Eliandrei Joedel P. Layosa, 𝘔𝘶𝘭𝘵𝘪𝘮𝘦𝘥𝘪𝘢 𝘌𝘥𝘪𝘵𝘰𝘳; Seplorenz S. Alarma, 𝘓𝘢𝘺𝘰𝘶𝘵 𝘌𝘥𝘪𝘵𝘰𝘳

Address

F. Pimentel Avenue
Daet
4600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Breakthrough - UCN posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share