26/05/2026
“Hindi pwede ‘yan! Walang Committee on Rules, walang miyembro, tapos diretso agad sa plenary?!”
Tinutulan ni Sen. Ping Lacson ang panukalang pag-amyenda sa Senate rules para payagan ang virtual attendance at electronic voting (push ni Sen. Rodante Marcoleta).Bakit? Walang pang Committee on Rules!
Matapos ang recent leadership shake-up, lahat ng committees kasama na ang Rules Committee ay vacated. Walang miyembro. Zero.
Diretso agad sa plenary?
Normal na proseso: Dapat ipasa muna sa Committee on Rules, pag-usapan, mag-conduct ng hearing, tapos maglabas ng committee report bago dalhin sa buong Senado. Hindi ‘yung bigla na lang ibabato sa floor.
Diretsahan niyang tinanong si Senate President Alan Peter Cayetano: “Has the committee on rules been constituted?”
At binigyang-diin: “The committee on rules has no members because we vacated.”
Kahit si Senate President Cayetano mismo, noon pa, ang sabi ay i-refer muna sa Rules Committee para proper study.
Ang argumento ni Lacson: Mukhang disregarding na talaga ng majority ang mga committees ng Senado.
Dahil dito, nag-walk out ang buong Senate Minority Bloc (kasama si Sen. Tito Sotto) dahil sa tingin nila, hindi na orderly deliberation ang nangyayari kundi “tyranny of the majority”, pinupush agad ang isang malaking pagbabago sa rules nang walang tamang proseso.Bottomline:
Hindi naman raw nila totally tinatanggi ang virtual attendance. Gusto lang nila sundin ang tamang proseso. Kasi kapag ginawa mong shortcut ang pag-amyenda sa rules ng Senado, ano pa ang silbi ng mga safeguards? Parang niluluto agad ang isda nang hindi man lang nililinis.