The Channel

The Channel The Official Student Publication of Divine Word College of Legazpi Help us attain our goals. Conquer to seek. Dare to speak.

-The Channel Social Media Team

Member: College Editors Guild of the Philippines

The Channel page aims to promote online discussion about the latest news and interaction with our users and viewers. Follow these sets of few ground rules for those who want to post or comment on this page:

We welcome:
1) Intuitive clarifications and inquiries using respectful language. We do not allow:
1) Offensive or unpleasant language.
2) Posting of indecent photos or videos links, to competitors' websites.
3) Promotion of any good or service. We reserve the right to delete posts or comments that violate our ground rules. For comments, suggestions and other information, please email us: [email protected]

Thank you!

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ | ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜„: ๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—นBinibigyang-buhay ang mga kuwentong Pilipino at mga pagpapahalagang...
30/08/2026

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ | ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜„: ๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—น

Binibigyang-buhay ang mga kuwentong Pilipino at mga pagpapahalagang patuloy nating pinanghahawakan, isinagawa ng Council of Teacher Education and Arts & Sciences Students (CTEASS), katuwang ang College Student Executive Board (CSEB), ang โ€œBalintataw: Ikatlong Taon ng Pagtatanghalโ€ sa Audio-Visual Hall ng DWCL, St. Arnold Janssen Campus.

Sa temang โ€œPagpapatuloy ng Diwa, Pagtahak sa Mas Maliwanag na Bukas,โ€ layunin ng pagtatanghal na ipagdiwang at itampok ang wikang Filipino, kultura, pagkakakilanlan, at mga pagpapahalagang Pilipino sa pamamagitan ng makabuluhan at makapangyarihang sining ng pagtatanghal. Through the performances, nabibigyang-daan ang mga manonood na muling masilayan ang mga kuwentong humuhubog sa ating pagkakakilanlan at nagpapakita ng diwang patuloy na nabubuhay sa bawat henerasyon.

Visit the Google Drive link here using your DWCL provided email account for more photos:
https://tinyurl.com/BALINTATAW2026

๐˜ท๐˜ช๐˜ข ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ๐™š๐™ก๐™ž๐™˜๐™– ๐™‚๐™–๐™—๐™ง๐™ž๐™š๐™ก๐™ก๐™š ๐™๐™š๐™—๐™ช๐™จ๐™ฉ๐™ž๐™ก๐™ก๐™ค | ๐˜พ๐™ค๐™ง๐™ง๐™š๐™จ๐™ฅ๐™ค๐™ฃ๐™™๐™š๐™ฃ๐™ฉ
๐˜—๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฃ๐˜บ ๐™…๐™ช๐™–๐™ฃ ๐™๐™–๐™Ÿ๐™–๐™ง๐™™๐™ค | ๐™‡๐™š๐™–๐™™ ๐™‹๐™๐™ค๐™ฉ๐™ค๐™Ÿ๐™ค๐™ช๐™ง๐™ฃ๐™–๐™ก๐™ž๐™จ๐™ฉ, ๐™†๐™š๐™ฃ๐™ฃ๐™š๐™ฉ๐™ ๐™…๐™ค๐™๐™ฃ ๐™‘๐™–๐™ก๐™š๐™ฃ๐™˜๐™ž๐™– | ๐™‹๐™๐™ค๐™ฉ๐™ค๐™Ÿ๐™ค๐™ช๐™ง๐™ฃ๐™–๐™ก๐™ž๐™จ๐™ฉ, ๐™…๐™ช๐™ก๐™ž๐™–๐™ฃ๐™– ๐˜ผ๐™—๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ก | ๐™‹๐™๐™ค๐™ฉ๐™ค๐™Ÿ๐™ค๐™ช๐™ง๐™ฃ๐™–๐™ก๐™ž๐™จ๐™ฉ, ๐™…๐™ค๐™ก๐™ž๐™– ๐™„๐™จ๐™–๐™—๐™š๐™ก ๐˜ผ๐™˜๐™ชรฑ๐™– | ๐™‹๐™๐™ค๐™ฉ๐™ค๐™Ÿ๐™ค๐™ช๐™ง๐™ฃ๐™–๐™ก๐™ž๐™จ๐™ฉ, ๐™ƒ๐™–๐™ง๐™ง๐™ž๐™จ๐™ค๐™ฃ ๐˜ฝ๐™–๐™ก๐™™๐™š๐™ง๐™–๐™ข๐™– | ๐™Š๐™ฃ๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™š ๐˜พ๐™ค๐™ฃ๐™ฉ๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™€๐™™๐™ž๐™ฉ๐™ค๐™ง

๐—ง๐—ผ๐—ฑ๐—ฎ๐˜†โ€™๐˜€ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฑ๐—ฎ๐˜†.Happy Birthday to our frontman, our editor, our legend, Andres!If Andres has 1 million fans, we are one ...
27/08/2026

๐—ง๐—ผ๐—ฑ๐—ฎ๐˜†โ€™๐˜€ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฑ๐—ฎ๐˜†.

Happy Birthday to our frontman, our editor, our legend, Andres!

If Andres has 1 million fans, we are one of them.
And if Andres has 0 fans, then The Channel literally doesnโ€™t exist.

To the storyteller who writes like the room is on fire.
To the wordsmith whose sentences hit like Julian Casablancas' vocalsโ€” the cool, sharp, and unforgettable.
To the voice on stage who speaks for the people, raw, alive and real.
To our Feature and Literary Editor who turns meetings into fired-up encores.
To the 2000s indie rock aura you bringโ€”part Arctic Monkeys, part The Strokes, and 100% Andresssssssโ€ฆโ€ฆ
And finally, to the ideas that make people shine, that make our office feel like itโ€™s always a party, like every day is a B-side we didnโ€™t know we needed.

๐—ฆ๐—ผ ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฒ ๐—ผ๐—ป, ๐—บ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐—น๐—ฒ ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ป๐—ฒ๐—ฟ, ๐—ด๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ด๐—ฒ๐˜ '๐—ฒ๐—บ, ๐˜๐—ถ๐—ด๐—ฒ๐—ฟ! ๐ŸŽธ๐Ÿซ€

Happiest Birthday to our brother, Kenneth John Valencia! ๐ŸŽ‰The photos you take, the stories you tell, and the wisdom wove...
26/08/2026

Happiest Birthday to our brother, Kenneth John Valencia! ๐ŸŽ‰

The photos you take, the stories you tell, and the wisdom woven into your tales have always stayed with us. They continue to inspire us and make us even more excited for the many adventures we have yet to share with you in the ever-growing book of being a Channelista.

May this day remind you that in the brightest day and in the blackest night, your outstanding photographs and unforgettable stories will always shine as an extensive sight.

As Tyrion Lannister once said:

โ€œ๐•น๐–Š๐–›๐–Š๐–— ๐–‹๐–”๐–—๐–Œ๐–Š๐–™ ๐–œ๐–๐–†๐–™ ๐–ž๐–”๐–š ๐–†๐–—๐–Š.โ€

Continue capturing moments, telling stories, and creating memories that will live on in the chapters ahead. May your journey be filled with more adventures, meaningful stories, and countless moments worth remembering.

Happy Birthday, Kenneth! ๐Ÿฅณ๐Ÿ“ธ

With love,
๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ป๐—ฒ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ ๐—™๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†

๐„๐ƒ๐ˆ๐“๐Ž๐‘๐˜๐€๐‹ | ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐‹๐š๐ซ๐จ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ก๐จ๐ฉ๐ข๐š ๐ฌ๐š ๐‡๐ข๐ง๐š๐ก๐š๐ซ๐š๐ฉHindi mabubura ng pagtutok ng daliri sa screen ang karahasan kung ang mg...
25/08/2026

๐„๐ƒ๐ˆ๐“๐Ž๐‘๐˜๐€๐‹ | ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐‹๐š๐ซ๐จ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ก๐จ๐ฉ๐ข๐š ๐ฌ๐š ๐‡๐ข๐ง๐š๐ก๐š๐ซ๐š๐ฉ

Hindi mabubura ng pagtutok ng daliri sa screen ang karahasan kung ang mga institusyong dapat sumusuporta sa kabataan ay patuloy na napapabayaan ang mga bitak na nagbibigay-daan sa paglala ng kanilang kalagayan.

Totoong iba na ang takbo ng buhay ngayon dahil laganap na ang paggamit ng social media at paglalaro ng online games. Hindi tayo makasasabay sa agos ng panahon kung hindi natin yayakapin ang mga bunga ng makabagong teknolohiya at mga bagong ideya. Ngunit sa kabila ng pag-unlad ng teknolohiya, naroroon pa rin ang mga lumang sistemang nagkukulang sa tunay na pag-aalaga at paghubog sa mga kabataan. Hindi na tayo maaaring magbulag-bulagan at hindi aminin na hindi sapat, at hindi nararamdaman ng lahat, ang mga karapatan at proteksiyong matagal na nilang pinagsisikapang makamit.

Sa unang tingin, tila madaling isipin na ang pagba-ban sa mga platapormang tulad ng Roblox, Discord, o maging sa larong Gorebox ang sagot sa problema. Ngunit kung tatanggapin natin ang simpleng paniniwalang masama at dapat ipagbawal ang paggamit ng mga ito, binabawi rin natin ang pagkakataon ng mga bata na mapakinabangan ang mabubuting posibilidad ng digital na mundo. Ang mga platapormang ito ay hindi ang mismong lumilikha ng karahasan. Sa halip, maaari silang magsilbing daluyan o tagapagpasidhi ng depersonalization at desensitization, lalo na sa mga kabataang matagal nang may pinagdaraanan.

Mahirap iwasan ang grooming, adult exploitation, at mga negatibong impluwensiya sa community chats. Ngunit ang paghahanap ng mga bata ng kahit katiting na pang-unawa sa mga espasyong ito ay maaaring reaksyon lamang sa isang mas malalim na puwang sa kanilang buhay. Hindi sila maghahanap ng kalinga at validation sa mga estranghero kung sila mismo ay napupuno ng atensyon, pagmamahal, at tunay na pag-unawa sa loob ng kanilang tahanan. Hindi nila isasakripisyo ang bawat oras sa harap ng gadget kung alam nilang hindi nila kailangang maghanap sa labas ng tahanan ng dahilan upang maramdaman ang kanilang halaga.

Ang nangyaring trahedya sa Zamboanga ay nagdagdag lamang ng isa pang kritikal na usapin: ang kawalan ng ligtas na pag-iimbak ng mga sandata sa bahay. Sa ilalim ng Comprehensive Fi****ms and Am******on Regulation Act o Republic Act No. 10591, may responsibilidad ang mga adultong nagmamay-ari ng baril na tiyaking ligtas itong nakaimbak at hindi basta naa-access ng ibang tao. Kapag ang baril ay napunta sa kamay ng isang menor de edad, hindi na lamang ito usapin ng personal na pagmamay-ari. Isa na itong usapin ng pananagutan at kaligtasan. Sa sandaling ang baril ng magulang ay nahawakan ng anak, ang kapabayaan sa tahanan ay maaaring maging hatol na kamatayan sa paaralan, isang lugar na dapat sana ay kanlungan ng kaligtasan.

Saan man ito magsimula, sa pamilya, sa paaralan, o sa lipunan, walang magbabago sa katotohanang sikolohikal ang malalim na epekto ng bawat pangyayari sa isang bata. Ang paglayo sa sarili at sa kapwa ay maaaring magmula sa kawalan ng simpatiya at pag-unawa mula sa mga taong minsan nilang pinagkatiwalaan. Hindi nasusukat ang pagiging maayos ng isang bata sa taas ng kaniyang marka sa klase o sa pagkakaroon ng masayahing pag-uugali. May mga bagay na hindi nakikita sa loob ng silid-aralan. May mga batang mahusay ngumiti ngunit tahimik na humihingi ng tulong.

Bagamaโ€™t naisabatas na ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act o Republic Act No. 12080 upang palakasin ang mental health support sa mga paaralan at magtatag ng mga School-Based Care Centers, nananatiling malaking hamon ang aktuwal na pagpapatupad nito dahil sa kakulangan ng mga lisensyadong guidance counselor at sapat na pondo. Malayo pa ang kailangang tahakin bago maranasan ng bawat kabataan ang pagkakaroon ng isang ligtas na espasyong maaari nilang takbuhan, kung saan malaya silang makapagsasalita, makapaglalabas ng saloobin, at mararamdamang hindi sila nag-iisa.

Ang pagpapatupad naman ng DepEd Order No. 006, s. 2026 para sa active shooter drills at mga inspeksiyon ay mahalagang bahagi ng pisikal na seguridad sa paaralan. Ngunit hanggang saan aabot ang pagiging epektibo ng mga panlabas na proteksiyong ito kung ang kapaligirang kinalalakhan ng isang bata ay patuloy na nagtuturo ng galit, kapabayaan, at kawalan ng malasakit?

Sa kabilang banda, ang usapin tungkol sa Juvenile Justice and Welfare Act o Republic Act No. 9344 at ang mga panukalang naglalayong pababain ang minimum age of criminal responsibility ay hindi maaaring ituring na simpleng solusyon sa isang sistemang may mas malalim na suliranin. Hindi sapat ang pagpaparusa kung nananatili ang radicalization, kawalan ng wastong assessment of discernment, at kakulangan ng pondo para sa tunay at pangmatagalang rehabilitation. Kung ang isang bata ay nahubog sa isang kapaligirang puno ng karahasan, kapabayaan, at kawalan ng gabay, hindi maaaring ang bata lamang ang ituring nating problema.

Kung ang kabataan ay tinatawag na โ€œmahina,โ€ marahil ay panahon nang tingnan natin ang pundasyong kanilang kinatatayuan. Pundasyong bitak-bitak, marupok ang pagkakagawa, at hindi matatag ang pagkakahawak sa kanila. Patunay na rito ang mga pampulitikang solusyong tila mas nakatuon sa mabilisang tugon kaysa sa tunay na paghilom ng sugat ng lipunan. Sa halip na ipaglaban ang dignidad at kapakanan ng bata, mas madali nating piliing maghanap ng masisisi.

Saan na lamang kakapit ang mga Pilipino kung ang mga kamay na dapat humawak at magtanggol sa kanila ay unti-unti ring bumibitaw?

Kung kabataan ang pag-asa ng bayan, nararapat lamang na tiyaking matatag, ligtas, at patas ang mundong kanilang kinabibilangan. Itigil na natin ang normalisasyon ng makitid na pananaw at ang pagsulong ng mga solusyong panakip-butas para lamang masabing may ginagawa. Hindi sapat ang pagbabawal. Hindi sapat ang drills. Hindi sapat ang parusa. At lalong hindi sapat ang pagtutok ng daliri sa isang bata kapag ang mga institusyong dapat sana ay gumabay sa kaniya ay nabigo ring makita ang mga senyales bago pa maging huli ang lahat.

Sa segundong ang isang bata ay madala sa dahas at sabihin nating nakikipaglaro lamang siya, hindi lamang siya ang nabigo. Nabigo rin tayo.

Dahil bago pa man mahawakan ng isang bata ang karahasan, may mundong humubog sa kaniya. May tahanang maaaring hindi nakinig. May paaralang maaaring hindi nakapansin. May komunidad na maaaring hindi umunawa. At may mga institusyong maaaring hindi nakahawak nang sapat.

Hindi laro ang paghubog sa kabataan.

๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฟ๐—ถ๐—ป ๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ.

Kung tunay nating itinuturing na pag-asa ng bayan ang kabataan, dapat nating tiyaking hindi sila basta umaasa sa isang mundong hindi naman handang umalalay sa kanila. Sapagkat sa huli, ang kinabukasang kinatatakutan nating mawala ay siya ring kinabukasang tayo mismo ang bumubuo.




๐“๐‡๐„ ๐‚๐€๐‹๐‹ ๐Ž๐… ๐“๐‡๐„ 45๐“๐‡ ๐†๐„๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐“๐‡๐„ ๐‚๐‡๐€๐๐๐„๐‹ ๐‡๐„๐€๐‘๐ƒ ๐˜๐Ž๐”.Your voices have been heard.Your stories are waiting to be told.You...
25/08/2026

๐“๐‡๐„ ๐‚๐€๐‹๐‹ ๐Ž๐… ๐“๐‡๐„ 45๐“๐‡ ๐†๐„๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐

๐“๐‡๐„ ๐‚๐‡๐€๐๐๐„๐‹ ๐‡๐„๐€๐‘๐ƒ ๐˜๐Ž๐”.

Your voices have been heard.
Your stories are waiting to be told.
Your ideas are ready to take flight.

Today, The Channel welcomes the 45th Generation.

A new generation of storytellers.
A new generation of truth seekers.
A new generation of voices brave enough to ask, to question, to create, and to speak.

You are not simply joining a publication. You are becoming part of a legacy built by generations before you, a legacy shaped by stories, strengthened by truth, and carried forward by those who dared to give the Divinian community a voice.

Your pens will tell stories that deserve to be heard. Your lenses will capture moments that deserve to be remembered. Your creativity will give form to ideas, and your voices will illuminate truths that matter.

This is your newsroom.
This is your platform.
This is your time.

CONQUER TO SEEK. DARE TO SPEAK.

The 45th Generation begins here.

With courage.
With purpose.
With passion.

And with you.

๐—ช๐—ฒ๐—น๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฒ ๐˜๐—ผ ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ป๐—ฒ๐—น.



๐Ž๐๐ˆ๐๐˜๐Ž๐ | ๐€๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฐ ๐ง๐š ๐๐ข๐ง๐š๐ก๐š๐ฐni Harrison B. BalderamaIsa sa mga problemang madalas hindi nabibigyan ng sapat na pansi...
23/08/2026

๐Ž๐๐ˆ๐๐˜๐Ž๐ | ๐€๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฐ ๐ง๐š ๐๐ข๐ง๐š๐ก๐š๐ฐ
ni Harrison B. Balderama

Isa sa mga problemang madalas hindi nabibigyan ng sapat na pansin sa paaralan ay ang tila pagkawala ng boses ng mga mag-aaral, lalo na kapag may mga isyung kinasasangkutan ang kanilang mga kinatawan o lider. Saan nga ba nagsisimula ang ganitong katahimikan? Ano ba talaga ang nais ipakita ng mga nakaupo sa puwesto kapag paulit-ulit nilang binabanggit ang salitang transparency? Totoo at konkreto ba talaga ang transparency na ipinapangako sa mga mag-aaral, o isa lamang itong salitang madaling sabihin ngunit mahirap makita sa aktuwal na pamamahala? At higit sa lahat, sulit ba ang mga programang ipinatutupad at mga gawaing isinasagawa kapalit ng daan-daang pisong ambag mula sa mga estudyante?

Kung ang mismong mga kabataang nag-aaral ang tatanungin, dapat ay komportable silang lumapit sa kanilang mga kinatawan at lider. Sila ang dapat maging boses ng mga hinaing, pangangailangan, at mungkahi ng mga mag-aaral sa loob ng institusyon. Ngunit paano kung ang mga lider na dapat kumatawan sa mga estudyante ay nagiging extension lamang ng kapangyarihan ng mga nasa itaas? Kung ang kanilang mga desisyon ay higit na nakabatay sa utos kaysa sa konsultasyon, may halaga pa ba ang mga salitang ipinangako nila noong una silang humarap sa mga taong kanilang piniling pagsilbihan?

Dito nagiging mahalaga ang tunay na kahulugan ng student leadership. Ang pagiging lider ay hindi lamang tungkol sa pagkakaroon ng posisyon, titulo, o pagkakataong makapagpatupad ng mga proyekto. Hindi rin ito pribilehiyong maaaring gamitin para sa pansariling kagustuhan o ambisyon. Ang pamumuno ay isang pananagutan. Ang isang lider ay iniluklok upang magsilbi, makinig, kumatawan, at manindigan para sa kapakanan ng kaniyang nasasakupan. Kung ang kaniyang posisyon ay hindi na nakaugat sa pangangailangan ng mga mag-aaral, para kanino nga ba siya tunay na namumuno?

Ang bawat proyekto, programa, desisyon, at patakaran ng student leaders ay dapat may malinaw na layunin at direktang pakinabang sa komunidad ng mga mag-aaral. Hindi sapat na may programa dahil kailangan lamang may maipakitang aktibidad. Hindi sapat na may kaganapan dahil kailangan lamang may maipaskil sa social media. At lalong hindi sapat na may malaking pondong ginamit dahil lamang may kakayahang gastusin ito. Ang tunay na sukatan ng isang proyekto ay hindi kung gaano ito kalaki, kaganda, o kapansin-pansin, kundi kung gaano nito napabuti ang karanasan at kalagayan ng mga estudyanteng dapat nitong pagsilbihan.

Kung ang mga lider ay nagiging kasangkapan lamang ng mga nasa mas mataas na posisyon, unti-unting nawawala ang tunay na dahilan kung bakit sila iniluklok. Ang mga mag-aaral ay hindi dapat maging tagapanood lamang ng sariling pamahalaang pang-estudyante. Sila ang dapat maging sentro ng bawat desisyon. Sila ang dapat kinokonsulta. Sila ang dapat pinakikinggan.

At dito pumapasok ang transparency.

Ang transparency ay hindi lamang isang salita na maaaring ilagay sa campaign materials, speeches, o social media posts. Nakikita ito sa malinaw na talaan ng pondo, maayos na pagpapaliwanag kung saan napupunta ang kontribusyon ng mga estudyante, bukas na konsultasyon, at pagiging handang tumanggap ng puna at kritisismo. Hindi dapat kinatatakutan ng isang lider ang mga tanong mula sa kaniyang nasasakupan. Sa halip, dapat niyang tingnan ang mga ito bilang bahagi ng pananagutang kaakibat ng kaniyang posisyon.

Sapagkat kung hindi maaaring magtanong ang mga estudyante, paano nila malalaman kung tunay na para sa kanila ang mga desisyong ginagawa sa kanilang pangalan?

Kung hindi maaaring kumwestiyon ang isang mag-aaral, paano niya malalaman kung ang kaniyang mga kinatawan ay tunay na kumakatawan sa kaniya?

At kung ang pagtatanong ay itinuturing na pagsuway, hindi baโ€™t mas malaki ang problemang dapat nating pag-isipan?

Hindi dapat maging tahimik ang isang komunidad dahil lamang natatakot itong magsalita. Ang paaralan ay hindi lamang lugar kung saan natututo ang mga kabataan ng mga aralin mula sa libro. Ito rin ang lugar kung saan dapat nilang matutunan kung paano maging responsableng mamamayan. Kung tuturuan natin silang magsalita tungkol sa tama at mali ngunit pagbabawalan silang magtanong kapag ang mismong sistema sa kanilang paligid ang kailangang suriin, anong uri ng pamumuno ang hinuhubog natin?

Sa ganitong pananaw, mahalagang itanong: may laman at kabuluhan ba ang mga salitang ipinangako ng ating mga lider? Ang kanilang mga proyekto ba ay tunay na nakaugat sa pangangailangan ng mga estudyante, o nagiging palabas lamang upang mapanatili ang imahe ng mahusay na pamumuno? Ang tunay na liderato ay hindi nasusukat sa dami ng mga event, dami ng posters, laki ng budget, o dami ng litrato sa social media. Nasusukat ito sa tiwala ng mga taong kanilang pinaglilingkuran at sa konkretong pagbabagong naiiwan nila sa komunidad.

Dahil sa huli, ang isang lider na hindi marunong makinig ay hindi tunay na kumakatawan. Ang isang lider na takot sa tanong ay hindi tunay na handa sa pananagutan. At ang isang lider na inuuna ang kapangyarihan kaysa serbisyo ay unti-unting nawawala sa tunay na diwa ng pamumuno.

Kung ang mga pangakong binitiwan ay nauuwi lamang sa mga salitang walang kabuluhan, paano natin matitiyak na ang bukas ay hindi magiging salamin lamang ng mga pagkukulang ngayon? At kung ang mga susunod na lider ay patuloy na huhubugin ng isang sistemang kulang sa transparency at accountability, paano natin aasahang magbabago ang kalakaran?

Mas mahalagang tanungin ito ngayon habang may pagkakataon pang magbago kaysa hintayin nating lumaki ang problemang tayo rin ang lumikha.

Sapagkat kung sa paaralan pa lamang ay matututuhan na nating manahimik sa harap ng maling pamamahala, ano ang mangyayari kapag ang mga kabataang ito na ang nasa tunay na puwesto ng kapangyarihan?

Kung sa murang edad ay nasanay na tayong ang lider ay hindi kinukuwestiyon, ang nasa itaas ay hindi kinokontra, at ang sistema ay sinusunod kahit mali, anong uri ng mga pinuno ang hinuhubog natin para sa kinabukasan?

๐—”๐˜ ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐˜๐—ฎ๐—ป, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ด๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ต๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป?




๐—›๐—ฒ ๐—ฏ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ถ๐—ป ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฒ๐—ป๐—ผ๐˜‚๐—ด๐—ต ๐˜๐—ผ ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ธ ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜†๐˜๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ฟ๐˜†. ๐——๐—ผ ๐˜„๐—ฒ ๐—ฏ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ถ๐—ป ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฒ๐—ป๐—ผ๐˜‚๐—ด๐—ต ๐˜๐—ผ ๐—ฑ๐—ผ ๐˜€๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐˜๐—ต...
21/08/2026

๐—›๐—ฒ ๐—ฏ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ถ๐—ป ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฒ๐—ป๐—ผ๐˜‚๐—ด๐—ต ๐˜๐—ผ ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ธ ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜†๐˜๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ฟ๐˜†. ๐——๐—ผ ๐˜„๐—ฒ ๐—ฏ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ถ๐—ป ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฒ๐—ป๐—ผ๐˜‚๐—ด๐—ต ๐˜๐—ผ ๐—ฑ๐—ผ ๐˜€๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐˜๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ถ๐˜?

This Ninoy Aquino Day, we remember Benigno โ€œNinoyโ€ Aquino Jr.โ€”a senator, journalist, and one of the most prominent voices who stood against the Marcos dictatorship. His life was marked by imprisonment, exile, and an unwavering belief that the Filipino people deserved freedom.

Yet beyond the history books is a voice that continues to speak to the present. Ninoy recognized the weaknesses of the Filipino, but despite them, he chose to believe in what his people could become. His life was not simply a story of sacrifice; it was a testament to courage, freedom, service, and the responsibility to care for oneโ€™s country and fellow Filipinos.

Today, remembering Ninoy means more than looking back at the man he was. It means looking at the Philippines we have today and asking ourselves what we are willing to do for itโ€”to speak when silence is easier, to stand when standing up comes with a cost, and to use our freedom rather than take it for granted.

Ninoy believed that the Filipino was worth fighting for.

On this Ninoy Aquino Day, may we live in a way that gives him reason to believe he was right.



Please join us in welcoming the newest members of The Channel!We are thrilled to officially welcome our newly qualified ...
17/08/2026

Please join us in welcoming the newest members of The Channel!

We are thrilled to officially welcome our newly qualified staff members to our growing publication family. Your passion, creativity, and dedication have earned you a place in the team, and we cannot wait to see the stories you will tell, the ideas you will bring to life, and the talents you will share with our community.

As you begin this journey with us, may you continue to seek the truth, create with purpose, and speak with courage. May your time in The Channel become an avenue for growth, meaningful experiences, and stories worth telling.

Congratulations, and welcome to the family!

Welcome to The Channel!

๐—ž๐—ข๐— ๐—œ๐—ž๐—ฆ | Eyyโ€ฆAYY??Kaya ang init init sa lounge eh.
15/08/2026

๐—ž๐—ข๐— ๐—œ๐—ž๐—ฆ | Eyyโ€ฆAYY??

Kaya ang init init sa lounge eh.


We are pleased to formally announce the schedule and details for The Channel's applicant screening. Kindly take note of ...
14/08/2026

We are pleased to formally announce the schedule and details for The Channel's applicant screening. Kindly take note of the following information.

๐Ÿ“Œ๐’๐œ๐ซ๐ž๐ž๐ง๐ข๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ญ๐ž: ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Ÿ–:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐€๐Œ โ€“ ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐Œ

๐Ÿ—“๏ธ๐’๐œ๐ก๐ž๐๐ฎ๐ฅ๐ž & ๐•๐ž๐ง๐ฎ๐ž:

Morning (8:00 am - 12:00 pm) - Individual Written/Visual Examination
โ€ข Training Room (Writing & Visual Team)

Afternoon (1:00 pm - 5:00 pm) - Individual Interview
โ€ข Training Room (All Applicants)

โœ’๏ธ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐ซ๐ข๐š๐ฅ๐ฌ ๐ญ๐จ ๐๐ซ๐ข๐ง๐ :
Applicants are required to bring the following on the day of the screening.
โ€ข ๐„๐๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐š๐ฅ ๐€๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ข๐œ๐š๐ง๐ญ๐ฌ (excluding Photojournalists, Cartoonists, and Layout & Graphic Artists): You will be writing in 3 categories: ๐๐ž๐ฐ๐ฌ, ๐„๐๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐š๐ฅ/๐‚๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ง, and ๐‚๐จ๐ฉ๐ฒ ๐‘๐ž๐š๐๐ข๐ง๐ . Article topics will be assigned on the examination date. No additional materials are required.
โ€ข๐๐ซ๐จ๐š๐๐œ๐š๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐ : Make sure to bring your own phone and (optional) have your own microphone or other recording materials that you might need.
โ€ข ๐๐ก๐จ๐ญ๐จ๐ฃ๐จ๐ฎ๐ซ๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ๐ฌ: Bring your own camera, if available, and a journalism-related portfolio.
โ€ข ๐‚๐š๐ซ๐ญ๐จ๐จ๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ฌ: Bring pencils of any type. You will produce traditional editorial cartoons during the examination.
โ€ข ๐‹๐š๐ฒ๐จ๐ฎ๐ญ & ๐†๐ซ๐š๐ฉ๐ก๐ข๐œ ๐€๐ซ๐ญ๐ข๐ฌ๐ญ๐ฌ: Please select one of the following options:
๐‘ถ๐’‘๐’•๐’Š๐’๐’ ๐‘จ: Bring a laptop with Adobe InDesign installed. You will design a 3-page tabloid layout, with the cover page and two article pages to be provided on the day.
๐‘ถ๐’‘๐’•๐’Š๐’๐’ ๐‘ฉ: Bring poster paint, watercolor, or colored pencils, along with a 1/8 illustration board, for a manual layout submission.

๐Ÿ“ƒ๐ƒ๐จ๐œ๐ฎ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐‘๐ž๐ช๐ฎ๐ข๐ซ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐ฌ
For those who have already submitted their forms but lack the required attachments, you may still pass it by bringing them on the day of the screening.
โ€ข ๐–๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐  ๐“๐ž๐š๐ฆ: Hard copy of published or sample articles, with certificates from seminars or workshops if there's any.
โ€ข ๐•๐ข๐ฌ๐ฎ๐š๐ฅ ๐“๐ž๐š๐ฆ: Hard copy of portfolio (compilation of visual works), with certificates from seminars or workshops if there's any.

๐Ÿ“๐†๐ž๐ง๐ž๐ซ๐š๐ฅ ๐‘๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐๐ž๐ซ๐ฌ
โ€ข Wear appropriate casual attire.
โ€ข Bring your school ID and lanyard at all times.
โ€ข The list of qualified applicants will be posted alongside this announcement. For those who have Saturday classes, the excuse letter will be sent via e-mail.

We look forward to meeting each of you. Should you have any concerns or inquiries, please do not hesitate to reach out through our official page or e-mail.



Address

Corners Rizal And Fr. Bates Street Old Albay
Legazpi
4500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Channel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Channel:

Shortcuts

Share